Tuesday, February 24, 2009

my "baduy" na LSS

(Kahapon ko pa sana naipost ito kaso naubusan lang kasi ako ng load dito sa 3G na gamit ko kaya di na natuloy. Sa ngayon, ndi na ata LSS ang tumatakbo sa utak ko kundi LLS (last LINE syndrome) at yun ay ang linyang "bebe ko!" salamat sa inyong mga nakapanood na kay fafa John Lloyd. Aba, aba, teka nga, dapat mapanood ko din yan one of these days. haha!)


I've been downloading the "new" songs/mp3s sa net lately (ganun po talaga ako. puro mga mp3s, movies at pics nga ata ang laman ng laptop na ito e). Got the songs na pinatutugtog sa radio at pinalalabas sa music channels lately but for some weird reason e ito ang song na na-LSS ako, i don't know why. Yeah, call it baduy or what, pero... ewan... basta. Siguro dahil yun na nga, nakaka-relate lang malamang. haha!  (I can't embed the official video here, walang link sa you tube e, tinanggal nila. Mas ok kasi sana yun, may "story" talaga.)    =P





A Little Too Not Over You by David Archuleta

It never crossed my mind at all
That’s what I tell myself
What we had has come and gone
You’re better off with someone else
It’s for the best, I know it is
But I see you
Sometimes I try to hide
What I feel inside

And I turn around
You’re with him now
I just can’t figure it out

Tell me why
You’re so hard to forget
Don’t remind me
I’m not over it
Tell me why
I can’t seem to face the truth
I’m just a little too not over you
(eh eh eh oh eh eh eh)
Not over you
(eh eh eh oh eh eh eh)

Memories
Supposed to fade
What’s wrong with my heart?
Shake it off, let it go
Didn’t think it be this hard
Should be strong
Moving on
But I see you
Sometimes I try to hide
What I feel inside

And I turn around
You’re with him now
I just can’t figure it out

Tell me why
You’re so hard to forget
Don’t remind me
I’m not over it
Tell me why
I can’t seem to face the truth
I’m just a little too not over you

Maybe I regret
Everything I said
No way to take it all back, yeah
Now I’m on my own
How I let you go
I’ll never understand
I’ll never understand
Yeah, oooh, oooh, oooh
Oooooooh
Oh
Ooooh, oh

Tell me why
You’re so hard to forget
Don’t remind me
I’m not over it
Tell me why
I can’t seem to face the truth
I’m just a little too not over you

Tell me why
You’re so hard to forget
Don’t remind me
I’m not over it
Tell me why
I can’t seem to face the truth
And I really don’t know what to do

I’m just a little too not over you
(eh eh eh oh eh eh eh)
Not over you


Sunday, February 22, 2009

Terence's Birthday Dinner (02-21-09)




Was fortunate enough to be invited by Terence and Thina for Terence's (post)birthday dinner last Saturday at Giligan's Island near Park Square. Though medyo hindi nakarating ang iba dahil na din sa magkakaibang mga kadahilanan, hindi pa din naman nabawasan ang happenings at kakulitan ng mga naka-attend. Ang panggigisa kay Idol Mic that night was truly a moment to remember. Sayang talaga di ka kumanta sa harap ng stage Idol, kilala ka na tuloy nung vocalist ng band. Hehehe!

Muli, maraming salamat kay Terence and Thina for the dinner and all. Belated happy birthday uli parekoi! To idol Mic, Donnie, Lanie, and Owen, nice to see you all again. Till the next gathering uli. =P

Friday Night Out w/ College Barkada (02-20-09)




Dinner with my best buddies nung college, the first one for this year. Hopefully we'll see each other more this year compared to last year. Minsan kasi talaga sagabal ang trabaho sa lakwatsa at gimik. Hahaha!

O pano na? Kitakits uli next month? =P

Monday, February 16, 2009

My Fun(ny) Valentine




-- Hot Air Balloon Festival, Clark Field Pampanga
-- Isdaan Resto (Tacsiyapo), Gerona, Tarlac
-- Anawangin Cove, San Antonio, Zambales

Sinong may sabi na ang Valentines Day ay para lang sa mga in-love at may syota? Think again.

Went to Clark to watch the HAB Fest pero we arrived late kaya nakuntento na lang sa picturan sa labas for a while. Afterwards, we went to Tarlac for lunch (at magbato ng ilang pirasong baso para ilabas ang konting ang sama ng loob haha!), then proceeded to Anawangin were we spent the valentine night. Went back to Clark the next day before going back to Manila for a last ditch attempt to catch a balloon fly to the sky ng malapitan pero what we had was a light show instead. No regrets though, astig pa din naman siya. It was still a beauty.

Maraming salamat po sa inyong lahat na mga nakasama ko sa one-of-a-kind Valentine weekend celebration na ito. To spend it with all of you is what made this adventure all the more cherishable and fun. Definitely much better than my previous valentines. Hahaha! Sa uulitin. =P

Tuesday, February 10, 2009

Lahat Tayo Bida!

share ko lang po... i know medyo may kahabaan. haha!   =P

Ang sarap sanang maging bida, sa sarili kong pelikula..."

                                  -- "Ambisyoso" by Kamikazee


Hindi ba kaya nakakaaliw para sa atin minsan ang manood ng pelikula o ng mga soap opera sa telebisyon ay dahil sa nakaka-relate ka sa buhay ng mga bida? Nakikisimpatiya ka lagi sa inaapi, minamata, hirap na hirap nang mga bida tapos asar na asar ka sa mga kontrabida sa istorya na kulang na lang ay isumpa mo at sabihing pag nakita mo sila sa labas ay sasabunutan mo sila. Madalas pa nga ay panay pa ang side-comment mo habang nanonood kapag sukdulan na hanggang buto ang kasamaan ng mga masasamang loob sa paboritong palabas na pinapanood mo. Kung pwede lang ay papasok ka na mismo sa screen ng tv o ng telon ng sinehan para ipagtanggol ang paborito mong bida at jombagin ng matindi ang lahat ng umaapi sa kanya.

Nakakaaliw man pero kung iisipin, di ba ang tingin mo din sa buhay mo ngayon ay isang malaking pelikula o soap opera at ikaw mismo ang bida dito? Mayroon kang mga problema, may mga tagumpay, may mga pagsubok, may hindi mabuo-buong kwentong pag-ibig, may mga hindi inaasahang twists and turns paminsan-minsan. At siyempre, dahil ikaw ang bida sa sarili mong pelikula, halos wala kang mali sa paningin mo. Ikaw lagi ang nasasaktan, inaapi, iniiwan, niloloko, pinagkakaisahan, kinakawawa, at kung ano pa mang term yan na maisip mo mapa-english man o tagalog na ang ibig sabihin pa rin ay talo ka sa dulo.

Kumpleto ka rin sa supporting casts at sa mga antagonists, tumingin ka lang sa mga tao sa paligid mo. Para sa protagonists, nariyan ang iyong mga magulang, kapatid, kamag-anak at mga tunay na kaibigan na hindi nagsasawang magbigay suporta sa iyo sa mga oras ng pangangailangan. Silang mga nakahandang tulungan ka at damayan ka sa mga oras na tingin mo ay sobra ka nang naaapi o nalulugmok sa hirap sa storya ng iyong buhay.

Para naman sa mga kontrabida, hindi ka ata mauubusan kung tutuusin. Lahat ng hindi umaayon sa buhay mo ay tinuturing mo na ganito dahil ika nga ng kasabihan “ if you're not with me then you're against me” hindi ba? Nariyan bilang halimbawa ang “bully” sa eskwela nung maliit ka pa na kung hindi nang-aagaw ng baon ay lagi kang hinahamon ng away; ang titser na terror noong high school o college na tuwang-tuwa pa ata pag bumagbagsak ang karamihan sa klase niya; ang boss sa trabaho na parang hari o diktador kung makapag-utos at makapag-expect; ang BF/GF na iniwan ka o niloko ka sa sari-sari at minsan ay di maipaliwanag na kadahilanan. At ang nakakatawa pa nga niyan ay hindi ba minsan pa nga, kahit mismo ang mga inaakala mong kakampi mo ay nagiging kontrabida din? Sila nanay at tatay kapag ayaw kang payagan sa pinaalam mo o hindi ka napagbigyan sa gusto mo; ang mga kapatid na nagdadamot minsan o kaya naman ay nakaaway mo sa kung ano mang dahilan; o ang kaibigan na minsan ay hindi nakaintindihan at tuluyang naging sanhi ng isang tampuhan.

Pero kung iisiping mabuti, may matatawag nga ba talaga tayong purong kontrabida? Alalahanin mo, maging sila din ay nabubuhay sa kanilang sariling pelikula kung saan sila ang bida at hindi ikaw. Kung ilalagay mo ang sarili mo sa kanilang binubong storya ay baka nga ikaw pa ang kontrabida dito. Alam ko magulo, pero alam ko din na naiintindihan mo ang gusto kong sabihin.

Kung hindi ako nagkakamali ay “empathy” ang term dito sa english. Ang paglalagay mo sa sarili mo sa kalagayan ng ibang tao. Gaya nga ng naituro sa amin sa call center dati (para daw mas lalo kami maka-relate sa callers since sa customer service area kami dati), “there's a huge difference between the words 'sympathy' and 'empathy.' The latter is much harder to do yet the more fulfilling one if done right.” Oo hindi madaling gawin ang ganito pero kung makakayanan mo ay maiintindihan mo din na wala naman talagang kontrabida sa mundo mo o sa mundo ng kahit sino pa man. Ang mga pangyayari sa buhay ng isa't-isa sa atin ay dulot ng hindi pagtutugma paminsan-minsan ng ating mga kagustuhan, mga plano, mga pangarap, at mga pamamaraan sa buhay. Sadyang hindi maiiwasan ang mga ganitong pagkakataon dahil na din sa ito ay kung ano tayo at ito rin ang dahilan kung bakit tinatawag tayong unique sa isa't-isa.

Everything happens for a reason and for a purpose. Kaya kung titingnan mo muli, maaaring ang “bully” noong bata ka pa ay malamang naghahanap lang ng atensiyon na hindi niya makita sa kanyang tahanan; ang titser o boss na terror ay marahil hinahamon ka lang na lalo mo pang pagigihan ang iyong pag-aaral o pag-t-trabaho, nagkataon lang na yun nga lang ang paraan na alam nila para ma-challenge ka; ang BF/GF na iniwan o niloko ka? Naku di ko din alam kung bakit, sila na lang tanungin mo. Sad to say, hindi ko din alam ang lahat ng sagot sa buhay. Pero sigurado naman akong may magandang dahilan sila kung bakit ganun ang ginawa nila sa iyo. Alalahanin mo, pilit na pinapaganda din nila ang pelikula ng buhay nila kung saan sila ang bida.

Kaya kung may makaaway ka man, hindi makaintindihan, makatampuhan, o sadyang hindi makasundo sa buhay, sige lang at magalit ka. Mainis ka. Magwala ka kung gusto mo. Normal lang na sumama din ang loob mo kahit paano. Pero pag medyo humupa na ang bugso ng damdamin mo, subukan mo din sanang ilagay ang sarili mo sa kalagayan nila. Alalahanin mo, sa entabladong ito na ginagalawan nating lahat, hindi lang ikaw ang may pelikulang tinatapos. Hindi lang ikaw ang maaaring masaktan, mahirapan, o maisahan. Sadyang ganyan ata ang ating buhay, umiikot lamang at magkakasanga-sanga. Lahat tayo bida. Kailangan lang matutunan natin kung paano kilalanin ang pagiging kaiba natin sa iba. Live and let live ika nga nila.

--- R. Ayala

Sunday, February 8, 2009

in response to Idol's tag (parang tag team a...)

I know this is supposed to be a post from facebook but since konti pa lang talaga ang friends ko doon e dito ko na lang siya i-p-post just like what my elder brother did a few days ago. I was "tagged" by idol Mic so in the spirit of fair play e eto ang mga sagot ko. Sencya na nga lang at medyo natagalan, ngayon lang ako kasi nakalibre uli ng oras para magbabad sa internet. hehe! At since dito sa multiply ko na din siya post, wala na ako i-t-tag pa.  =P


My 25 random things...

  1. I am somewhat weird when it comes to food, particulary vegetables. Hindi ako kumakain ng mga sinabawang gulay pero kumakain din naman ako ng munggo, ginisang toge, coleslaw, mga gulay sa pansit, at tortang talong paminsan-minsan. Hindi ko din kinakain ang patatas lalo na pag nasa ulam, pero kumakain ako ng french fries sa fastfoods.

  1. I seldom drink water kahit gustuhin ko man. Gusto ko kasi malamig na malamig lagi and unfortunately wala na yung mini-ref ko after ko lumipat dito sa b-haus (but this is just a lame excuse honestly haha!). Usually I drink iced tea or softdrinks. I know, I know, someday my body would pay for this (particularly my kidneys...)

  1. I usually sleep for more than 12 hours every now and then, lalo na kapag wala naman ako pasok at walang gagawin. Ewan ko ba pero talent ko ata yun.

  2. Mas sanay ako kumilos sa gabi. Pakiramdam ko mas gising ang katawan ko kapag night shift ang duty ko sa work. I can hardly keep myself awake pag morning shift ako, kulang na lang mag-stretching pa ako sa opisina para lang magising. Pero ok na din yung maging pang-umaga minsan para tapos na agad ang trabaho at pwede pa gumala sa malls after duty. Haha!

  1. Pwede ako mabuhay ng walang television basta wag lang walang radyo or anything na pwede makinig ng music. Yun kasi ang aking mode of meditation kadalasan. Kahit saan ako pumunta I usually have my headsets with me at laging nakikinig either ng mp3s or sa FM radio.

  1. I've been living away from our house for 2 years already. Masaya na mahirap din ang maging independent. But I do “cheat” every now and then, gaya na lang lately. Inuuwi ko yung ibang damit ko para ipalaba pa din kay mommy. Bad me. Haha!

  1. Natuto ako tumugtog ng gitara ng walang nagtuturo talaga maliban sa utol ko na nagbigay lang ng ilang pointers kung paano magbasa ng chord chart sa mga songhits. But don't get me wrong, I'm not really that good at it. But at least pwede na din para makapalimos sa kalsada balang araw. Hehe!

  2. I can read the chord chart but I can't read a tab (tablature) for the guitar. Usually pinakikinggan ko na lang paulit-ulit yung kanta tapos kinakapa na lang sa gitara.

  3. Though I can play the guitar somehow, mas gusto ko matutunan kung paano tumugtog ng piano or organ actually.

  4. In case you haven't noticed it yet, I usually arrive late when it comes to personal appointments (mga lakad). Sorry po pero kahit ako hindi ko din alam minsan kung bakit ako ganun. Maybe some old habits are really hard to break. haha!

  5. Kabilang ata ako sa mga iilang(?) lalaki na mahilig mag-f-forward ng text messages, mapa-joke man yan or serious quotes. Alam ko gawain ng mga babae yun most of the times pero what can I do, madami din ako kilala kasi na nag-f-forward sa akin e. Alangan naman itambak ko lang sa inbox ko ang mga iyon at sarilinin di ba? Sharing to others lang ang tawag dun sa ginagawa ko. Hehe!

  1. Madalas ako atakihin ng mood swings. May mga times na paggising ko pa lang hyper na ako, may times naman na gusto ko tulog lang buong araw. There are also some instances kung saan parang ayaw ko makipagusap muna kahit kanino for some unknown reasons. Gaya nga ng nakasanayan na nating itawag, mga “moment.”

  2. Nag-umpisa lang ako maging “lakwatsero” ng tuluyan about a year ago not because yun talaga ang gusto ko primarily. The main reason was that I was only looking for a diversion and change of environment back then to distance myself from the office atmosphere and all the “demons” that came with it (alam nyo na kung ano yun haha!). Pero buti na lang at nangyari nga lahat ng iyon kasi kung hindi e hindi ko kayo makikilala lahat. So given the choice to do things all over again, wala ako babaguhin kahit isa. Itaga niyo pa yan sa bato. Hehehe!

  3. Believe it or not, I was a bummer/couch potato for 2 years (PAL for short). Part of it was because of my stubborness also. I know I can find other jobs back then but I chose not to. It's something I shouldn't be proud of pero hindi ko pa din pinagsisisihan yun kasi madami din ako natutunan nung mga times na iyon. I do believe na ang mga principles at general outlook sa buhay na sinusunod ko ngayon ay hindi mabubuo kung hindi ko dinaanan yung very humbling stage na iyon sa buhay ko.

  4. Dahil na din sa #14, natuto ako mag-alaga ng mga bata kahit paano. Ako kasi ang ginawang yayo ng ate ko dati, ka-tag team ng mommy namin sa pag-aalaga sa noon ay mga toddler pa lang na mga pamangkin namin. Kaya naman wag sana kayo magulat pag nakita nyo na marunong ako magtimpla ng instant formula at magpalit ng diaper ng baby. Haha!

  1. 4th year HS na ako noon pero hindi pa din ako sure talaga kung anong course ang gusto ko kunin sa college. Kaya naman pag tiningnan niyo ang 1st choice (ECE) at 2nd choice (economics) courses ko noon, parang tubig at langis. Hindi man lang related sa isa't-isa. Haha!

  2. During our college days noon, hirap na hirap ako sa mga Communications majors/subject namin. Nakakasunod pa naman ako sa Electronics subjects kahit papaano pero sa Comms ay dumudugo ang ilong ko (figuratively speaking). Kaya naman kahit na hindi talaga namin ginagamit ang mga technical aspects ng napagaralan namin before sa school dito sa present work ko, who would have thought na I would end up working here? I'm a walking irony.

  3. Natuto lang ako uminom ng beer (as in walang ibang iniiom na parang chaser) noong nagumpisa na ako dito sa present work ko. Mga barkada ko kasi nung college mga good boys e. haha!

  4. Thankfully, hindi ko pa naranasan ang malasing talaga, meaning yung tipong hindi na alam kung anong ginagawa at kung nasaan na. Magaling lang siguro ako mandugas sa inuman. Haha! Joke lang.

  1. Isa akong procrastinator (hindi yung kanta ng Sandwich a). Lagi ako tinatamaan ng katamaran kapag maguumpisa ng isang bagay (i.e. maglinis) pero once na naumpisahan ko na kung ano man iyon na dapat ko gawin, I always see to it na matatapos ko din siya.

  1. I prefer sleeping with the lights off (though takot ako dati nung bata ako haha!).

  1. Noong elementary ako halos araw-araw nagba-baon ako ng Chocolait at umiinom ng Yakult pero ngayon, I'm kind of a lactose-intolerant na ata.

  1. Mababaw lang talaga ang kaligayahan ko kung tutuusin. Kaya naman simple lang ang trip namin magkakabarkada nung college. Kahit tumambay lang sa mall (maglalakad lang, walang bibilhin) or kumain sa Chinatown ay ok na. Kwentuhan lang buong time na magkakasama.

  2. I do have a sweet tooth. Pero hindi na ako mahilig sa chocolates lately. But I'll take a box of cream puffs anytime. Hahaha!

  3. Hindi kumpleto ang araw ko dati pag hindi nakapanood ng Batibot, Sesame Street at ng mga cartoons sa hapon.