It's been a long while since i posted something here, and the first time i'll try to post using a mobile device. Oh how times have really changed since the first time i met you. Dati laptop lang ang paraan para maabot kita pero ngayon celfone lang, solve na. But nonetheless, the purpose is the still same, to say thanks to you dear friend.
Salamat sa pakikinig ng walang pagtutol, sa pagiging saksi sa aming mga luha at tawa, mga tagumpay at kabiguan, mga hagikgik, init ng ulo, takot, at iba pa. Sa panonood habang kami ay nagpapalitan ng mga kuro-kuro, mga kulitan, maging mga sagutan o maliliit na away. Salamat din sa pagtatago mo ng aming mga litrato at videos at ng mga kuwento sa likod nito. Isang malaking utang na loob ito na hindi ko makakalimutan.
Salamat at nagsilbi kang tulay upang makakilala ako ng mga bagong kaibigan. Siguradong masaya ka din makitang sa kabila ng maraming pagbabago sa aming kani-kaniyang buhay ay eto pa din kami, malalapit na magkakaibigan pa din hanggang ngayon. Sa katunayan nga, mahal na asawa ko na ang isa sa kanila ngayon, dahil na din ito sa tulong mo.
Maraming salamat muli sa lahat ng ito. You really are, and forever will be, a true and trusted and forever cherished friend, my dear Multiply. :-)