Monday, September 13, 2010

Hello there, baby!

     Just got home a few minutes ago galing Marikina para samahan si Mei for her ultrasound. Yun kasi ang ni-request ng ob-gyne niya sa amin a couple of weeks ago. I guess I'll leave the telling of a more detailed story to her, for sure naman she'll write something about it soon. Ang sa akin lang e totoo pala yung mga kwento nung iba ano? Iba pala talaga ang feeling kapag nakita mo na ang anak mo, kahit gaano pa siya kaliit pa lang.

     To be honest, medyo nawala ako sa mood kanina umaga kasi una, kulang ako sa tulog. Galing ako sa 10pm-6am duty sa work kagabi hanggang kanina umaga, nagpalipas lang ilang oras at dumiretso na sa Marikina. Sinamahan pa ng pagka-late ni Meimei sa usapan naming oras ng kitaan ng mga ilang minuto din (but don't worry, i'm not going to blame you for it my dear, promise). Pero nawala na lahat ng mga iyon nung nakita na namin yung baby sa ultrasound monitor. Although 9 weeks pa lang siya according sa result, nakikita na yung ulo, mga kamay, at binti nya. Nakita na din namin yung kanyang heartbeat, sayang nga lang at hindi pa daw pwede ipadinig sa amin nung doctor kasi masyado pa daw maliit si baby. Kapag mga 6 months pataas na lang daw siguro. Nakakaaliw lang kasi sa liit nyang yun ay may kalikutan na din kasi gumagalaw din siya nung habang inu-ultrasound. Medyo mana ata sa ina. Hehe! joke lang.  :)

     Just got a whole new reason to smile and look forward to everyday. Thank you so much Lord for all these blessings. May I, we, be strong enough to provide her/him everything she/he needs and deserves in the future.

      Gusto nyo pic? Nasa mommy yung kopya e. Pilitin nyo i-scan nya at i-post niya sa blog niya. Hehehe!