Kasama pa naman ako sa mga nagbigay ng advice the last time around tapos yun pala si Kuya Donnie isn't the only “lucky” guy on the list after all...
Para po sa mga kaibigan kong nakakaalam ng Globe number ko, paki-delete na po siya sa inyong mga phonebooks since technically, non-existent na siya, unless trip nung holdupper na gamitin ang sim card ko. Gaya nga ng kasabihan, “there's always a first time for everything”, but I never thought it would be of this nature for me this time.
Unfortunately, nakasabayan ko sa jeep on my way back dito sa boarding house namin sa QC ang mga not-so-friendly neighborhood magnanakaw dun sa amin sa Manila. Mag-isa pa lang ako nakasakay sa jeep noon, sa tabi ni manong driver na probably old enough to be my lolo, nang may pumarang dalawang medyo decent looking guys (isang mataba at isang payat, parang the typical tag-team sa comics) malapit sa M. dela Fuente along Espana Ave. Pagsakay pa lang ng dalawa e medyo masama na ang kutob ko kasi sa luwag ng jeepney e napili pang pumuwesto nung mataba sa tabi ko tapos yung isa naman e sa bandang likuran ko. May acting job pa nga sila kasi nagbayad pa sila ng pamasahe para kunwari e mga pasahero nga sila. Then it happened. Pagdating sa may bandang riles ng tren, naglabas sila ng balisong (from the looks of it e nakatiklop naman pareho that time) at habang hawak nila ang damit ko e hiningi nila ang cellphone ko. Si payatot sa likod ay panay sabi pa ng “ipod mo akin na din...” not knowing na yung headset ko was for the phone also. Si taba naman sa tabi ko ay hiningi din ang wallet ko pero fortunately, walang laman na kahit bente pesos ang wallet ko nun maliban sa mga id's ko at cards. By some stroke of luck, kaka-withdraw ko lang din sa ATM about 15-20 minutes before ako nakasakay sa jeep but I decided to place the money on the hidden pocket of my jeans kaya walang laman na pera ang wallet ko at that time. The only visible money that I had was the P15 na pamasahe ko sana sa jeep. Kaya naniwala naman sila na wala na nga sila makukuha pang iba. Buti naman at may mukha pa silang ibalik ang wallet ko sa akin after nila makita na wala ngang laman talaga. But before sila bumaba malapit sa A. Maceda e nakita pa din nila ang relo ko na luma na at sira-sira pa, pero siguro dahil sa wala nga halos nakuha e pinatulan na din nila yun. Eto namang si lolong driver, nang makababa na ang dalawang damuho sa jeep, e bumanat lang ng isang linyang hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Pagkatapos mangyari sa harap nya ang lahat, ang tanging natanong lang nya sa akin pagkatapos ay “kilala mo ba mga yon?”. Pambihira ka lolo, kakaiba ka.
Come to think of it, ok na lang sa akin yun kasi medyo may kalumaan naman na ang mga nawala sa akin. Nanghihinayang nga lang ako kasi yung cellphone na iyon ay may konting sentimental value para sa akin. It was the first gadget that I bought after ko maging regular employee sa job ko almost exactly 2 years ago. Kumbaga, katas ng mga unang sweldo ko iyon. Isa pa, halos hindi ko pa nagagalaw ang nai-load ko dun sa account na yon mga 2 days ago. Sayang naman, madami pa naman sana yun. Anyways, I still have another phone that I can use for now (the one with the Smart number – 09293135509) and hopefully hindi na siya magaya pa sa kapatid nyang na R.I.P. na (nasa mga bangketa na ng Quiapo at Recto yun sa mga susunod na araw malamang). And on the positive note (kahit puro negative na ang nangyari), at least I got home alive and in one piece instead of spending the next nights on a hospital bed trying to mend possible stab wounds from those two SOB's. Guess it was just a case of being at the wrong place at the wrong time. Hopefully I've seen the last of it.