O aking sinta,
Kailan ka ba magpapakita?
Sana'y dumating ka na,
Para ang buhay ko ay sumigla.
Madami na ang dumaan,
Ngunit ang para sa akin ay wala naman.
Mahaba-haba na din ang aking pag-aabang,
Kaunting pasensya pa daw, sandali na lang.
Ako'y sabik na sabik na,
Sa ligayang iyong madadala.
Siguradong sa taglay mong ganda,
Pighati at lungkot ay tanggal na.
Subalit bago pa man kung ano ang maisip mo,
Hindi pag-ibig o babae ang tinutukoy ko.
Ang matagal-tagal ko nang hinihintay,
Walang iba kundi ang bagahe ni itay.
(Ayun na ang UPS! Para sa akin na ito. yipee!!!)
Hehehe!!! You made me smile on that one... kala ko pa naman out of the blue naging makata ka bigla... I really thought you were really referring to a long lost love...'yon pala ang "padalang bagahe ni Itay"...
ReplyDeleteNice one!!!
ayus! nabenta pa yung "poem". haha!
ReplyDelete