Ang Crayola
by R. Ayala
Malamang ay naranasan mo na din minsan ang gumawa ng coloring activity sa Art class mo sa school noong early elementary days mo. Simple lang, magkukulay lang naman kayo ng pictures gamit ang crayons (In my case, mas sanay ako tawagin syang crayola. Para bang pag sinabi mong toothpaste ay Colgate ang sagot agad).
Minsan pa nga putol-putol at kulang-kulang pa ang crayola na ginagamit mo noon di ba (lalo na pag nasa kalagitnaan na o matatapos na ang academic year)? Pero walang kaso yun kasi enjoy ka naman sa ginagawa mo at malamang naman na kung sakaling may kailanganin kang crayola e meron naman ang mga seatmates mo at pwede kang manghiram pag nagkataon. At the same time, pag sila naman ang may kailangan na pangkulay e papahiramin mo din sila (siguro naman).
At dahil nga mga bata pa, palupitan pa ng pagkulay yan minsan. Kanya-kanyang diskarte, yung iba kinakarir pa talaga. Siguradong “comparing notes” pa nga ang labas nyan bago ipasa kay ma'am ang papel. Minsan babanat pa ng typical na angasan ng mga bata, yung tipong “talo ka sa kotse ko, kulay blue...” na bigla naman sasagutin ng isa ng “bakit? yung clouds mo ba kulay yellow?”
Ngayon marahil nagtataka ka bakit ko naman nakwento uli ang ganito? Simple lang din ang sagot. Kasi hindi ba nakakaaliw isipin na parang ganyan din talaga sa totoong buhay, lalo pa sa mga magkakaibigan?
May kanya-kanya kayong binubuo na buhay at pilit nilalagyan ng kulay parang yung coloring book (or picture). Ang ginagamit mo na pangkulay (crayola) ay ang mga aral na napulot mo at mga personal experiences mo. Minsan may problema ka at hindi mo alam kung paano mo kukulayan ang papel mo kaya naman pupunta ka sa kaibigan mo para manghiram ng “crayola” niya. At ganun din naman na pag nakita mong kulang din ang pangkulay niya sa papel niya ay i-s-share mo din ang “crayola” na meron ka. At hindi din maiiwasan na magkumpara ng mga natapos na sa kinukulayan habang nangyayari ang palitang ganito hindi ba?
Subalit nakakalungkot isipin na minsan masyado ka na nawiwili sa ginagawa mong pagkulay sa papel mo kaya hindi mo na napapansin na may kailangan din pala para sa kanyang papel ang kaibigan mo. At ang kailangan pala niyang “crayola” ay meron sa iyo pero nahihiya siya kasi ayaw ka niya istorbohin sa pagkukulay mo. Sana hangga't maari ay maiwasan ang mga pagkakataong ganito. Dahil alalahanin mo, hindi lang ikaw ang may project na dapat tapusin at ipasa kay ma'am pagkatapos. Paano naman ang seatmate mo na nangangailangan din pala ng pangkulay, di ba?
Share your crayons. Magbigay kulay sa buhay ng ibang tao hangga't may pagkakataon. Oo masaya nga kapag nakakuha ka ng mataas na marka sa ginawa mong pagkulay sa papel mo pero di ba masaya din kapag nakakuha din ang iyong kaibigan ng mataas na marka sa project niya dahil sa mga crayola na nahiram niya sa iyo?
tama nga naman.
ReplyDeleteamen. =)
ReplyDeletenice one, idol. medyo napa-kalma mo ako.
ReplyDeleteeasy ka lang, idol. minsan talaga may mga taong ganyan, p**sh*t kung makahirit. quits naman na kayo e. hehehe! =P
ReplyDelete