Wednesday, November 17, 2010

Before and After (the transition blues)


     Tomorrow would mark the fortnight since Mei and I moved to our new home and quite honestly, I think I'm still adjusting in one way or another. Yes, I am feeling quite accustomed now to the new place and new environment pero marami pa din ang nabago mula sa aming mga nakagisnan na buhay bago kami nagsama sa iisang bahay. Here are some of the changes that I've gone through so far since making the (super quick) transition from being single to married:


*** Before, it would only take me exactly 10mins of walking to go to work from my old place sa QC. Nowadays, I have to leave our house at least an hour before my shift para hindi ma-late sa work. Mas maaga pa dapat siguro kung midshift duty ako for the day, which starts at 2pm, knowing that traffic could sometimes be heavy during the afternoon.

*** Since walking distance lang noon from the office ang dati kong tinutuluyan, I can sleep as long as I can before going to work. For example, kung 6am ang pasok ko for the day, I can wake up past 5am and still make it on time for work. Obviously I can't do that anymore nowadays. Well, technically speaking, pwede ko pa nga din naman gawin ang ganun, yun nga lang late na ako for work nun for sure, 30mins at the very least. Haha!

*** Since ako lang naman mag-isa dati, hindi ko masyado problema ang pagkain noon. I usually eat sa mga kainan malapit sa bahay, either sa carinderia or sa friendly neighborhood fastfood na Jollibee or Chowking. Nowadays, I also have to consider Mei's food as well. At dito medyo masaya at magulo kasi pareho kami hindi marunong magluto talaga maliban na lang siguro sa kanin. Buti na lang may hotdog na madaling lutuin. Di bale, in time matututo din kami niyan. Hehe.

*** At dahil madalas nga ako kumain sa labas noon, wala akong kubyertos na pangkain sa dati kong tinutuluyan. Walang nililigpit, walang hinuhugasan. Nowadays, meron na ng basic utensils. At tuwing ginagamit siyempre may liligpitin din kami pagkatapos. Wala naman kami katulong sa bahay para gumawa noon para sa amin di ba? Pero marunong naman kami ng gawaing bahay kaya ok lang.

*** Before, I can spend all of my idle time either sleeping, watching TV, or surfing the net. But since we have a whole house for ourselves now, medyo nabawasan na ang mga pagkakataon na ganito. Kailangan muna unahin ang mga gawaing bahay bago magbabad sa facebook or multiply.

*** Madali lang sumama sa mga gimik at lakwatsa noon dahil wala nga naman ako masyado iniintindi noon kundi sarili ko lang. Hindi masyado alintana ang mga gastos at ang oras ng pag-uwi kahit dis-oras na ng gabi. Subalit hindi ko naman sinasabing hindi na ako pwedeng maglakwatsa at gumala ngayong may asawa na ako, pero siyempre iisipin ko din muna kung ok ba si Mei at si Momay at kung pwede nga ba ako gumastos without sacrificing the bugdet for home that much.


    Although everything that I enumerated here may sound like rants or complaints and that it may seem like I was far better off before than where I am right now, you are terribly mistaken. Please don't get me wrong here. Siguro nga medyo mahirap ang mga pagbabagong gaya nito para sa ibang tao, but not for me. For I am fully aware of these changes in my lifestyle and more bago pa man kami nagpakasal ni Mei and I'm pretty sure that this is what I want in life and I'm willing to take the risk. Mas marami pa din naman benefits na naidulot ang pagpapakasal ko. Nothing in this world beats the feeling of sleeping at night or waking up in the morning with the love of your life right beside you. And it can only get better for sure when Momay comes along. :)


     Now our new life together may not be a piece of cake or a simple walk in the park since we both know that there could be rough patches along the way every now and then, but I sincerely hope that with God's grace we can make it through them all stronger, wiser, and better.


11 comments:

  1. this is the best part sa entry na to. eto yun mga linyang ang sarap mabasa/mapakinggan eh. keber kung di kayo marunong magluto parehas. yon lang naman, ang dami nyo alam na gawaing bahay.

    as long as masaya kayo magkasama, kakayanin nyo yang mga pagbabago na yan. at sa lahat ng pagbabago sa buhay ng isang tao, ang pagbabago ng buhay may asawa ang isa sa pinakamasarap.

    enjoy married life! enjoy nyo ng sobra dahil in few months magiging tatlo na kayo. di nyo na ulet mae-experience ang kayong dalawa lang, mauulit lang yan pag lumagay na rin sa tahimik magiging mga supling nyo. so enjoy!

    madali matutunan ang pagluluto. kaya di problema yan. hehehe

    hugs & kisses to the three of you!!!

    ReplyDelete
  2. kahit di kayo marunong magluto pareho, i can definitely say na swerte talaga kayo ni mei sa isa't-isa. hihihi. God bless sa married life! I'm sure masayahing bata si momay pag labas nya. :D

    ReplyDelete
  3. Huuuuy! Wag namang hotdog ng hotdog, healthy eating dapat ang buntis. Magagalit si Momay niyan! Hahaha!

    ReplyDelete
  4. at nagrereklamo na ang asawa ko oh! hahaha!

    meyms, wag ka mag-alala di naman ako puro hotdog. sha lang madalas yon pag meron dito, ako mas hanap ko pa rin gulay at fruits. marunong nang mag-udyok si momay :)

    ReplyDelete
  5. marunong naman kami magluto kung iisipin, in theory pa nga lang. susubukan pa lang namin yung actual soon kapag nakapamalengke na. hehe!

    thanks mahal! :D

    ReplyDelete
  6. tuturuan namin si momay magluto pag lumaki na siya. magiging chef yun! hehehe!

    ReplyDelete
  7. well hindi naman po in fairness, kapag breakfast lang usually. hotdog and egg ang drama ng buntis. yun lang ubos na ang isang kilo sa loob lang ng isang linggo. haha!

    ReplyDelete
  8. hindi po ako nagrereklamoooo... nagkkwento laaaaang. :P

    at kung makaturo naman ito parang hindi siya ang bumili ng isang kilong hotdog? hehe! and correction, i prefer fried fish or tinapa kaysa sa hotdog. :P

    ReplyDelete
  9. magaadjust din kayo ng bonggang bongga, kami kasi we lived together before we got married kaya alam na namin timpla ng isa't isa (ie magtatae siya pag puro kanin) haha. pag nakaadjust na kayo maiisip nyo naman, i can't imagine living any other way. :)

    ReplyDelete
  10. can't say it any better than that. swak! hehe! :D

    ReplyDelete