ang pag-ibig ay sadyang mapaglaro minsan
madalas kahit nananahimik ika'y napagtitripan
ang nakagisnang mundo'y biglang maguguluhan
ika'y magugulat, malilito, magugulantang.
minsan ang taong iyong piniling ibigin,
madalas sa ibang tao nakatuon ang tingin.
samantalang ang iba na sa iyo'y may pagtingin,
madalas hindi mo rin naman pinagtutuunan ng pansin.
mayroong mga ibang ang tagal naghihintay,
halos mawalan ng pag-asa na puso'y magkabuhay.
panay ang tanong kung nasaan ang sinisinta,
ayaw lang tumingin, madalas nasa harap na nila.
ang pag-ibig ay hindi isang mahabang karera,
kung saan ang panalo ay kung sino ang mauuna.
pagkat sa bandang huli'y ang may tunay na tagumpay,
ay ang taong makakahanap ng pag-ibig na tunay.
mabuti nang sa paghihintay ako'y matagalan,
kahit na ang buong paligid ko ako'y nauungusan.
basta ba sa bandang huli ang aking matagpuan,
ang taong tama at nararapat na aking makatuluyan.
sensya na medyo cheesy, naalala ko lang kasi yung nareply ko sa text ni jhen kagabi sa text nya about her cousin getting married already. for some unknown reason lumabas ang mga linyang ito sa utak ko and after 10 mins, boom! cheesiness. baka effect ng food binge at unlimited ice tea na tinira ko bago ako natulog kagabi. lolz. 
naks, isa ka palang makata! hehehe
ReplyDeleteoh my gosh tito boy i didn't know you were related to that balagtas guy pala! hihihi!
ReplyDelete~ kriszy :p
peace! :D
the kesong talong strikes again :) ganda!
ReplyDeletepagusapan natin ito sa waiying.
ReplyDeletehaha! oo, makata nga... maka-tanga. lol. :)
ReplyDeleteay naku kriszy, effect lang ito ng overdose ng argentina corned beef...
ReplyDelete-- tito boy :P
haha! anong pag-uusapan natin? yung kay choms? lolz.
ReplyDeletefavorite ko ang last stanza... :)
ReplyDeleteako din, nowns. :)
ReplyDeletein fairness sa yo, monmon. binabasa ko to ulet pag naeemo ako. hahaha.
yan ang may kasalanan ng lahat kaya nabuo yan e, parang ganyan kasi yung sagot ko sa text ni jhen noon. lolz. :P
ReplyDeleteemoterang talong? haha! funny, kasi ndi ako emo nung nagawa yan, natatawa pa nga ako e. lol. :)
ReplyDeleteganda nman nito monmon.. talentado ka pla eh.. =)
ReplyDeletebasta idol, kapag naramdaman mong andiyan na yung idea, isulat mo lang. minsan, isang vision lang, tapos nagtu-tuloy-tuloy na yan. great poem, btw. =O)>
ReplyDeletesalamat po. :)
ReplyDeletepero this is more of a "hidden talent" (kung talent ngang matatawag haha)... better left hidden instead. parang yung mga pagkanta ko lang sa videoke. lolz.
salamat idol, mas malufet ka pa din pagdating sa mga ganito. your works are a hundred folds better. hehe! :)
ReplyDeletenaalala ko tuloy yung "freestyling" natin dati sa chat... parang ganito lang yun e. random craziness. lolz.
idol, salamat. para sa akin lang, if you have something in mind, isulat mo lang. huwag ka nang ma-conscious about somebody's work being "better" - i never really cared kung may maka-trip sa mga isinusulat ko o hindi - ang bottom line diyan, if it's real to you, then it's always a great thing. naniniwala akong lahat tayo ay capable of writing, and minsan yung iniisip nating "random craziness" eh yun pa ang nagiging pamatay na piyesa. tuloy-tuloy lang. =O)>
ReplyDeletesabi mo e. ayan may excuse na ako to post another random cheesiness, as soon as now na. haha! tnx tnx! :)
ReplyDeleteagree... mas mahalagang may value sa iyo ang ginawa mo, kapag na-appreciate ng iba, plus points na lang yon, basta ikaw muna dapat makagusto non... di mo naman s-share kung di mo nagustuhan di ba? :)
ReplyDeleteagree ako, kelangang maghintay kahit papaano...habang binubuo pa ng tao ang sarili niya...at kapag handa na siya, sa tamang panahon magkikita kayo...mangyayari lang din yun kapag buo at handa ka na rin...=)
ReplyDeleteamen. tama naman.. kahit sa sarili mo manlang eh maging honest ka. salamat sa sharing, monmon.. may talento ka palang ganito! so what kung cheesy? sulat pa! ;p
ReplyDeleteamen ako diyan, kapatid. usually, tayo din ang pinakamatinding critics ng mga akda natin eh. =O)>
ReplyDelete@ jassy : i'm tired of waiting... i'm moving on. lolz. joke. :)
ReplyDelete@ nona, sarah, mic : maraming salamat po. don't worry i'll keep those things in mind. so next time mabagok ulit ang ulo ko sa semento at tamaan ng "inspiration" magsulat ulit ng cheesy or emo post, i'll put it here ASAP... SOP... yun na. :))